320 - Nais Nating si Jesus ay Makita

Nais nating si Jesus ay makita;
Pagkay't dumidilim ang pag-asa;
Nais nating si Jesus ay makita,
Nang lumakas sa pakikibaka.

Nais nating si Jesus ay mamasdan,
Na S'yang Batong ating kaligtasan;
Hindi ang buhay, ni kamatayan,
Pipigil sa 'ting mukha N'ya'y tingnan.

Nais nating si Jesus ay mamalas;
Ibang liwanag ay kumukupas;
Ang pagpapala ng mundo'y di sapat;
Ikaw, sa amin, ay siyang lahat.

Nais nating si Jesus ay makita;
Ito ang tangi nang mahalaga--
Pagka't lakas at tuwa ang nadarama,
Lalo kung Siya ay magbalik na!

0:00 0:00